Thursday, June 23, 2011

Qoute #67

Masakit mang isipin pero
mas magiging maayos pala ang buhay mo kung wala ako...

Masakit mang isipin pero
kahit na gaano ko man gustuhin makasama ka
nde na mangyayari..

Kelangan na kitang ibaon sa limot..
Kelangan na kitang pakawalan..
Dahil sa tuwing maalala kita..
Nasasaktan ako...

Sadya lng sigurong magulo ang buhay
Ipadarama nya sayo ang pait, sarap at hirap na pede mo maranasan
Minsan inde mo na alam san magsisimula
Minsan nagsimula ka na pero magugulo ka lang ulet..
At minsan akala mo okay na...
Inde pa rin pala..

Ngayon 25 na ako,
Madami dami na din akong naranasan sa buhay
Pero di ko pa rin ma ikukumpara ang buhay ko sa buhay ng iba
Sa mga taong doble ng edad ko
Malamang doble din ang hirap na dinaranas nila..

Nakakatakot mang isipin na
Sa mga susunod na araw pede akong makaranas ulet
ng mga bagay na pilit ko mang iwasan pero sadya lang
sigurong nakakabit na un sa akin..

Tadhana na sigurong masaktan ako sa mga panahong ito..
sana matapos na ang paghihirap ko..
pagod na ako makipaglaban..
pagod na ako..

No comments:

Post a Comment